Blog Archive

Friday, July 11, 2014

Tanggol Wika – PUP: Protesta Kontra CMO no. 20


Ni: JOFFREY SACRISTAN 
      BSED FL 3-1

           Umabot sa halos walong daan dalubguro at magaaral kasama ang may limandanng PUPian ang sumugod sa harapan ng Commission on Higher Education (CHED), Hulyo 11.

               Isinagawa ang kilos protesta sa harapan ng CHED Headquarter sa Quezon City upang kondenahin ang ibinabang CMO 20 series  of 2013 na layyonh tanggalin ang asignatutrang Filipino sa lahat ng programa liban sa mga may medyor nito  epektibo sa lahat ng Kolehiyo at Pamantasan sa buong bansa.

                Kasama sa kilos-protesta sina Dr. Jnnifor L. Aguilar ng Kagawaran ng Edukasyon sa Sekundarya at Elementarya, Dalubguro Marvin Lai ng kagawaran ng Filipinolohiya, iba pang mga dalubguro sa Filipino, mga magaaral, Tanggol Wika-PUP at DAMLAY –PUP ang nakiisa upang katawanin ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamalaking unibersidad sa bansa sa usaping mag-aaral. Naroon maging ang mga dalubguro at mag-aaral ng UP Diliman University Council, UST DLSU, PNU at PLMAR. Nagbigay suporta naman ang DAMLAY Philippines Inc. at ang ACT Teachers Party –list.


                Si Dalubguro Perla Carpio ng PUP at Dr. Lakandupil Garia ng DLSU ang ilan sa mga humarap sa mga opisyal ng CHED upang pagdiskusyunan ang usaping hinggil sa CMO no. 20 series of 2013. 

No comments:

Post a Comment